Tuesday, November 23, 2010

No Regrets

I have no regrets.

The long-distance long-term relationship has finally ended. It has come to a close. I somehow saw it coming. He somehow sensed that it was coming. We couldn’t stop it from coming. It had to come. Our relationship had to end.

We split up. We cut our ties. We contemplated on burning the bridge. We pondered on the ties that bound us for a decade and a half. That certain connection, we felt that it had worn-out, had weakened through time. It had become brittle by constant pressure we made on our relationship. That certain connection had given up on us. It had finally given in.

As we went our separate ways, we took different paths. I took the path opposite his. I took that path, never thinking how he’d manage to take his; never knowing if he’d be strong enough to go on with his life without me. I walked away from him, not thinking about the changes he would do with his life; not caring anymore if he would breakdown and cry or be angry with anyone. I must have to walk on and start thinking about my own life.

I have to move on with my life. Emotions had been placed at the backseat. I need to prioritize on my happiness. Life is really short. I don’t need to spend much time mourning for the death of our relationship. I had already cried. I had already endured the pain of the break-up. I had gone to the bottom of sadness. I needed to pick myself up and be happy once again.

My heart has suffered a lot. It had endured the aches for so long. It’s badly bruised. My heart had weakened through time. Now I need to make it healthy again. I need to stop the murmur from every single beat. It had to pacify. It had to be worry-free. It needs to be happy. It needs to love again.

I have no regrets.
I have only my heart.
I have to be happy.
I have to be ready to love someone again.


Thursday, November 18, 2010

Tubig at Sabon


Feuilliton ng mga nilalang ng Gym.
Maaaring basahin muna ang mga previous na bahagi ng blog-aserye.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Dahan-dahan kong pinatay ang shower. Ang dating malakas na buhos ng tubig mula sa shower head, ngayon ay patak-patak na lang. Kasabay ng paghina ng tubig ay ang paglakas naman ng tunog sa kabilang cubicle.

Tuloy-tuloy lang si Dino sa pagsa-shower sa katabing cubicle. Patuloy lang din sa pagkanta. Tila nasasarapan sa pagdampi ng tubig sa kanyang katawan. Habang nagpapatuyo ako, namumuo naman ang pagnanasa kong masilayan ang naliligong si Dino.

Pinulot ko na ang mga gamit ko. Shampoo, facial wash at tuwalya. Suot lang ang boxer-briefs ko, binuksan ko na ang glass door ng cubicle at lumabas na from the shower. Binagalan ko ang paglabas sa cubicle. Gusto ko kasing makita kung ano ang nasa likod ng glass door sa katabing cubicle.

Kalilinis lang ni Manong tagalinis ang mga glass doors ng shower cubicles. I should say that the doors are transparent and close to being invisible. Kaya medyo kabado ako. Baka naman mahihimatay ako sa aking makikita. Curious na curious na ako kung ano si Dino sa ilalim ng shower.

Step by step. Mumunting hakbang, dumaan ako sa harap ng cubicle ni Dino. Lumingon ako sa kanan. Tagos sa salamin ang malagkit kong tingin sa naliligo. Nakatalikod siya. Hubo’t hubad, basang-basa, mabula.

Nagsasabon pa si Dino. Press ng press sa libreng liquid soap na nakadikit sa shower cubicle. Pinapahid niya ang asul na likido sa balikat niya. Mula sa balikat, bumula ang sabon at dumaloy sa kahabaan ng kamay niya. Kumuha uli ng sabon para ipahid sa kabilang balikat. Inantay niyang bumula ito bago ipahid sa dibdib at sa likod.

Ang mga bula, unti-unting dumaloy mula sa likod, pababa, papunta sa bewang, pababa sa puwet. Sheht. Full na full ang likuran ni Dino. Napatitig ako ng husto. Para lang akong nanonood ng clip sa xtube.

Hindi ko masyado nakita ang jewels niya. Pano kasi, nakatalikod. Sana man lang pumihit siya at humarap naman sa glass door para makilala ko ang junior niya. Inantay ko siyang umikot. Di ko na batid kung gaano na ako katagal na nagmasid sa kanya. Pagkakataon na kasi yun. One in a million chance to see him naked.

Pwede ko namang katukin ang glass door or buksan ito at tawagin ang pangalan niya para lumingon ito at humarap sa akin. Pwede rin naman akong pumasok sa cubicle niya at tulungan siya sa pagsasabon. My imagination is running wild. Para lang isang eksena sa porn flick ng Raging Stallion.

I stopped myself. Nakaka-windang naman ito. I looked like a salivating dog waiting for someone to throw a huge bone at me. Well not that I'm complaining. A bone is still a bone, sarap-sarap nun. But hey, I felt like I was too desperate. Hindi ba ako kuntento lang sa pagmamasid sa naliligong si Dino?


Matatapos na si Dino. Pinatay na niya ang tubig. Tumigil na rin siya sa pagkanta. Inantay niya munang tumulo ang tubig mula sa tuktok ng ulo niya pababa. He ran his fingers through his hair, winiwisik-wisik ang buhok habang nakapikit. Umikot na siya para kunin ang dark green na tuwalya na nakasampay sa glass door. Inabot niya ito, sabay dilat ng kanyang mga mata.


Hindi na niya ako naabutang nakatayo sa harap ng cubicle niya.









Monday, November 15, 2010

Neuf na Lang

Dati, sampu sila.

10. In a relationship

Itong sampu, meron na akong blog entries dyan. Maliban sa Number 10.

Binura ko na yun. Wala kasi akong maisulat tungkol sa relationship.

Dati, status ng FB ko ay In A Relationship. 

Ngayon, Single.

Endo na.

Hanapbuhay uli. Hanap ng bagong buhay. Bagong buhay na wala si Care Bear.

Ang sampu, naging siyam. 

Siyam na lang sila.

Magiging sampu pa rin ba sa darating na mga panahon?

Good luck na lang

Thursday, November 11, 2010

Dino

Note: Di ko man sinasadya pero para na itong isang feuilleton televise. Basahin muna ang mga ito in particular order para maka-relate ng major major:

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Pangalan pa lang, parang gusto ko nang hubarin ang suot kong boxers. Para kasing exotic at medyo savage garden ang timpla ng pangalan niya, feel ko tuloy mag go-commando under the intense and invading eyes of the gym bunnies and gym rats in the locker room at magsisigaw ng “Dino, Dino woohooo” na parang baliw.

Pilit kong inaalis at iniligpit ang pangalan nya at isuksok na lang ito sa likod ng ulo ko. Hindi ko nga siya masyadong bukambibig pero ang image niya naman ang madalas na tuma-tumbling sa garden ng ulo ko. Di ako lubos nakaka-concentrate sa mga pinapagawa sa akin kanina ng PT kong si Gerald. Lagi ko kasi naaalala yung unang beses kong nakita si Dino.

Kung bakit ba kasi nagpakita pa siya sa gym. Napansin ko tuloy siya.

At dahil alam ko na ang pangalan niya, dapat ba akong mag-research tungkol sa kanya o hayaan ko na lang ang sarili ko na kilalanin siya through people na merong alam sa kanya? O diba, parang stalker lang ang dating. Ang siste, hindi ko naman alam kung sinu-sino sa mga nagji-gym ang merong alam tungkol sa kanya. Kailangan ko bang hanapin ang mga friends niya? Di ba para lang akong tanga.

Hayaan ko na lang. Come what may. Pawis na pawis na ako at gusto ko nang maligo.

Naghubad na ako. Sa harap ng pinili kong locker, tinanggal ko ang basang-basa kong singlet. Umupo na ako sa bench at pinunterya ang mga sintas ng aking puting sapatos at tinanggal na ito pa-isa isa sa mga paa ko. Pati ang mga medyas tinanggal ko na rin. Tumayo na ako uli. Dahan-dahan kong hinatak pababa ang gym shorts ko. Basang basa sa pawis.

Shampoo. Fresh boxer-brief. Facial wash. Towel. De-numero kong kinuha from the locker. I finally got them all in my hands.

Pumunta na ako sa shower area. Doon ako sa pinakamalayong cubicle. Di ko alam kung bakit.

Sabi ko sa sarili ko, habang nagpapakababad sa hot and cold shower, na hindi ko dapat pagpipilitan ang sarili ko na magkakagusto kay Dino. In the first place, hindi naman kasi naming alam ang isa’t isa. Secondly, I don’t know kung katulad siya sa akin. Thirdly, nakakatakot isipin ang magiging reaksyon nya kung sakali magtatapat ako sa kanya. Lastly, ang kapal ko naman kung ganun.

Tinigil ko muna ang shower para makapagsabon. Pisil lang nang pisil sa container ng body soap sa gilid ng cubicle. Isa, dalawa, tatlo. Sa binti, sa paa, sa hita.

Isa, dalawa, tatlo. Sa likod, sa shoulders, sa dibdib. Wow, ang sarap.

Isa, dalawa, tatlo. Sa bulbol, sa betlogs, sa titi. Nabalot na ako sa body soap. Para akong isda. Ang dulas-dulas ko na. Time to make banlaw. Kinapa ko ang shower knob at hinawakan. Hind ko pa man napihit, napansin kong parang may taong pumasok sa katabing cubicle. Maya maya’y narinig ko na ang buhos ng tubig mula doon. Lumakas nang lumalakas ang tunog ng shower. Bigla na lang…

If I could fall, into the sky… do you think time would pass…”

Muntik na ako madulas nang marinig ko yun. Paksheht. Magkatabi kami ni Dino.  

Tuesday, November 9, 2010

Threesome Revelation

Tatlo sila.
One fine Sunday.
Buhay pa ang Haring Araw.
Wala pa ang Empress ng Gabi.

Nagkatagpo. Nag-usap. Kumain
Kublai Khan. Starbucks. Golden Cowrie

Threesome.

1- Cebuano
2- Boholano
3- Ilonggo

1- Kulot
2- Straight, malago, aksaya sa Gatsby
3- Bald

1- Moreno
2- Porcelana
3- Fair

1- Katoliko
2- Bradford Christian
3- Naniniwala na may langit

1- Aries
2- Libra
3- Capricorn

1- Outspoken
2- Hirap mag-express sa sarili
3- Carry Lang

1- Pepper
2- Pepper
3- Pepper

1- Kamukha ng tatay nya
2- Baby-face
3- East-asian

1- Baritone sa choir nila sa community
2- Bass sa choir nila sa church
3- Tenor under training dati sa isang university choral group

1- Pepper na nung high school
2- Pepper na after college
3- Pepper na nung college

1- Single, currently looking for rebound
2- In a relationship, currently figuring a way out
3- In a relationship, long term

1- Type ang balbas-sarado
2- Type ang chinito, asian
3- Type mga oso.

1- Nagkaroon ng girlfriend. Had sex with both sexes.
2- Nagkaroon ng girlfriends. Had sex with both sexes. Nagkaroon ng stalker
3- Hindi nagka-girlfriend ever. Had sex only with the same sex.

1- mainitin ang ulo
2- antagal makapag-decide
3- practical lang ang drama

1- Marunong magluto
2- Laging ipinagluluto
3- Gustong matuto magluto

1- Nagkarelasyon sa mas matanda. 20 years ang pagitan
2- Nagkarelasyon sa isang OFW. Home-wrecker
3- Maagang nagkarelasyon. taon-taon na ang binibilang

1- Versatile
2- Mostly top
3- Power bottom

1- Merong issue sa ama
2- Merong issue sa pamilya
3- May issue sa ka-relasyon

1- Never cheated but was cheated upon
2- Cheated and never caught, was cheated and lied upon
3- No issues with trust (at least for now)

1- Hopeless romantic, still looking for Mr. Right
2- Indecisive, hindi alam ang gagawin sa relasyong pinasukan
3- Top award for martyrdom

1- (insert name here)
2- (insert name here)
3- (insert name here)

Magkakapatid sa pananampalataya.
Magkakaibigan
Mga nagpapanggap.

Monday, November 8, 2010

Juicy

"Kilala mo siya?" tanong ko kay Gerald.

Hindi agad sumagot ang PT. Abalang-abala kasi siya sa pag-uunat sa mga paa ko. Eto naman si Gerald oh, very serious sa pag-stretch ng katawan ko. I sensed that he's dropping hints na may alam siya kay Mr. Nike. Maybe he sensed that I am somehow interested with the man in black Nike ensemble. Nagpapakiramdaman na kaming dalawa.

Juicy kaya ang sasabihin ni Gerald tungkol kay Mr. Nike?

Tahimik pa rin siya. Parang di niya narinig ang tanong ko. Ako naman, parang uhaw na uhaw na sa maaring isagot ng PT. Eyes wide open na ako. Pati ears ko full bar na rin sa pagiging open. Everything around me had turned quiet na. Si Gerald, tuloy-tuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Nagbibingi-bingihan. Tell me now. Please. Sabihin mo na sa akin. Wag mo na akong itorture.

Hirap naman ito. Di ko alam kung nakahalata si Gerald na nakiki-usi ako sa buhay ng may buhay. Sinubukan kong deadmahin ang lahat. I let some moments pass. Tinapos namin ni Gerald ang stretching session then we both went to the reception desk to sign some papers and to plot my next session with him.

Inexamine ko si Gerald. Gusto kong malaman kung ano ang alam niya kay Mr. Nike. Kung kaya ko lang basahin ang isip nya eh di ko na kailangang tanungin siya di ba? Hindi ko na rin kailangang basahin ang utak niya. Babasahin ko na lang diretso ang utak ni Mr. Nike. Kaso waley akong gift na ganitey.

Bago pa man nagpaalam si Gerald sa akin, inunahan ko na siya uli ng tanong. "Hoy, sinagot mo na ba ang tanong ko?"

"Ang alin?" pilit niyang inalala ang tanong.

Bigla na lamang ito napakamot sa baba at inisip kung ano yung tinanong ko. Lumakad na kami papalayo sa reception desk. Papunta na ako sa locker room, siya naman papunta sa work-out area, hinihintay ko pa rin ang sagot nya.

"Yung kanina, sa may stretching area," sabi ko.

"Ah yung naka-itim at naka-sombrero? yung nasa free weights kanina?," tanong ni Gerald.

"Oo. Yun. Kilala mo siya?" tanong ko habang lumalapad na ang tenga ko at dumidilat na ang mga mata ko sa isasagot ni Gerald.

"Si Dino po yun," sagot ng PT.

Hmmm.

Dino pala ang pangalan ni Mr. Nike. Pangalan pa lang parang native na native. Pwede ring latin american or hispanic. Ewan. Short for Dinosaur kaya yun? o Segundino ba? o Dino lang talaga.

"Matagal na po siyang member dito po. Kumuha nga rin po sya ng training package noon. Yung pareho sa inavail nyong package po," dagdag ni Gerald.

Di ko na napakinggan ang sunod na sinabi ni Gerald. Nagsara na lang bigla ang mga tenga ko nang malaman ko na Dino pala ang pangalan niya. Ano kaya ang buhay sa likod ng pangalang Dino.

Dino.

Dino.

Akyat na ako sa locker room. Magbibihis na ako. Sana, madatnan kitang naandun. Gusto kitang makitang nag bibihis, o naghuhubad o naka-tapis lang ng tuwalya. Gusto kitang makilala, Dino.

Saturday, November 6, 2010

Peppers in the Gym

Klase-klase. Iba-iba. Varied.

Spicy ang gym na pinupuntahan ko. Andaming spices. Mga paminta. Peppermints and all. Eh kasi ba naman, ito lang yung nag-iisang branch sa VisMin ng pinakamalaking health club group sa buong mundo. It's not surprising na halos lahat ng mga beckies, peppers and gym parishioners have tried working out dito.

Hindi na rin ako nagulat kung bakit trip na trip din ng mga exhibitionists ang gym na ito. These guys love to show off their bodies. They love to strut their wares sa work-out area, specially in places where they are in complete view of the trainors and guests. Kahit sa locker rooms, pa-show off din ang mga peppers. Gusto nila ng attention.

Some of these exhibitionists are members of our own kind. Mga becky lou blancos. Ironic in a way. Exhibitionist nga sila pero mga bading-in-hiding. In-na-out na di mo maintindihan. I just couldn't help it either. I tried to check these exhibitionists kung bading ba sila or hindi.

Medyo maypaka-mayabang ang dating ng mga exhibitionist. Sila yung mga nagbubuhat ng pagkabigat-bigat na plates and weights. Yung tipong above 100lbs ang pina-pump. Dios-meh. Kakatakot diba. Pero maiinis ka rin sa kanila dahil ma-iinsecure ka bigla sa taglay nilang lakas. Figuratively, manliliit ka sa mga pingbubuhat nila.

Mas nakakainis kung alam mong iba sa kanila ay mga beks. Na-inggit lang siguro ako.

Merong isa, actually dalawa sila. Doon sila lagi sa Free Weights area. Kasi ba naman, exhibitionists love to work-out doon. Ayaw nila masyado ang mga equipment. Siyempre andun sila, mga exhibitionist din. They watch other guests pump iron. Fixated sa mga tall, buff, and good-looking guys. 

They usually stare at these men in between sets. Long sticky ogles on other people's butt, chest, limbs and face. Some may think that they're watching you because they want to use the dumb bells after you're done with them. Or you may think that they want to use the bench after you're through. Pero style lang nila yun.

Sila din mismo, they draw attention to themselves. Nagbubuhat ng mabibigat na dumb bells. Nagsisigaw sa mga last few reps. They take turns in spotting each other. Kanya-kanya din silang spot ng mga eye candies.

Halos magkamukha na sila. Magkapareho kasi ang hugis ng mukha nila. Yung tipong kamag-anak ni Ai-ai. Mas maputi nga lang ang isa. White Horse. Mas puno nga lang din ng pimples ang isa. May kasingkitan ang mas maputi. Toned and developed ang mga katawan. Pati mga mukha, developed na developed din.

Pero eto ang napansin ko. Sabay silang pumapasok sa gym. Walang araw na di mo makikitang isa lang sa kanila ang pumasok sa gym. Mag-asawa? Siguro nga. They share the same water bottle. Horse whisperers. They talk in hush hush muffled voices, halos magkadikit na ang mga mukha pag nag-uusap. Akala ko nung una magkapatid lang sila. Maling akala. Dehins pala.

Bulung-bulongan sa gym. Items daw yun sila. Aba. Sweet naman.

Mag-syotang exhibitionist. It's showtime!



  

Friday, November 5, 2010

Stretch Mo Ko

Sayang.

Konting oras na lang ang natitira bago matapos ang session ko with Gerald. After kasi ng isa pang set ng crunches sa may core exercise area, pupunta na agad kami sa stretching corner, which is malayo kay Mr. Nike.

Doon kasi siya nagpunta pagkatapos niyang nauhaw at uminom sa water fountain. Sa tingin ko pupunteryahin niya ang free weights.

Nakasumbrero pa rin si Mr. Nike. Isang darkbrown na baseball cap with a swoosh sa likod. This time, meron nang naka-plug sa makabilang side ng ulo nya. Earphones lang naman. Nakapuwesto siya malapit sa machine na pangpa-develop ng lower and mid back section, just across a row of dumb bells na iba-iba ang weight and sizes.

Black ensemble siya ngayon. Black ang dri-fit tops with white outlines sa may bandang tagiliran. Black with red lining naman ang gym shorts na suot. Nike trainers na black with gray soles. Both ang shirt and shorts may check logo pa rin.

Nakaupo siya sa isang bench. Nakatutok sa salamin sa harap niya, tila nagko-concentrate sa music na naririnig sa earphones.  Hinanda na niya ang isang pares ng dumb bells. Malalaki. Mabibigat. Kino-condition na ata nya ang arms niya for some curls.

Siya si Mr. Nike.

Hindi ko lubos na naiintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako fixated sa kanya? Oso ba siya? Hindi naman siya chubby. I see no traces of fat in his body. He's lean. He couldn't fall into the same category as an otter. Hindi pwede. Baka kasi pag nahulog siya sa grupo ng mga otters, kakainin siya ng buhay. Ulam na ulam na kasi siya. He's super-muscular. He's a hell of a hunk.

Bago pa man siya makapagsimula sa pagbubuhat, natapos ko na ang last set ng abdominal crunches. Tinulungan na ako ni Gerald na tumayo from the A-bench. That time, wish ko na si Mr. Nike ang humila sa akin from the bench.

Hahawakan nya ang mga braso ko sabay hila sa akin pataas. Magpapanggap ako na kesyo nauubusan na ako ng lakas at kunwari'y nahirapan na ako sa pag-angon mula sa bangko. Hihilahin ako ni Mr. Nike. Hihigpitan niya ang kapit sa mga braso ko habang ako nama'y sa mga bulging arms nya kakapit din.

Pagkatayo ko na from the bench, agad akong umeksena na para bang nahihilo at natutumba. Sasandal ako bigla sa matigas niyang katawan. At si Mr. Nike naman, sa kanyang pagkagulat ay payakap nya akong sasaluin. Romantic.

Ambisyosa lang ako. Hibang ng konti. Nag-iilusyon. Potential stalker. Isa akong major major na tagasubaybay ng Wish Ko Lang. Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Naglalaway ng konti. Konti lang naman. Hindi ko na batid kung gaano na ako katagal na nagmumukhang aso na may rabies. Hinila na ako ni Gerald papalayo sa eye candy ko at tinulak niya ako sa isang stretching mat.

Ba-bye Mr. Nike. Kami muna ni Gerald ha. Babalikan kita.

Nasa green stretching mat na ako. Naka-indian squat. Yoga position number 1. Breath-in breathe-out. Nasa likod ko naman si Gerald, naka-upo sa isang white exercise ball.

"I-spread nyo po ang legs nyo sir," pa-utos na sinabi ng PT.

Gamit ang inupuang bola, tinulak ito ni Gerald against my back and it stayed that way ng ilang segundo. Sarap ng feeling. Tapos, sinabi niya na yumuko ako't abutin ang paa ko, una sa kaliwa, sunod ang kanan.

"Aray, parang di ko kayang abutin. Sagad na ata. Masakit na po," sambit ko sa kanya.

Di nakinig si Gerald. Tinulak nya lalo ang bola sa likod ko. Na-stretched pa lalo ang mga legs ko. Buwiset.

Inutusan nya akong humiga. Humiga ako flat on my back. Isi-stretch pa nya lalo ang mga binti ko. Hinawakan ni Gerald ang kanang paa ko, hinila ang forefoot pababa, hinila from the ankle down to the toes. Then he folded my leg by the knee and pushed it closer to my body. Hindi na ginamit ni Gerald ang bola. Gamit lang niya ang bigat at pwersa ng kanyang katawan. In doing so, parang he's pushing himself closer to me.

Ako nasa baba. Si Gerald nasa ibabaw. Homo-erotic. Ganun ang position namin sa green stretching mat. Lagpas pa sa 8 counts yun. Hindi ko lang alam kung sinasadya ni Gerald yun. Ayaw ko bigyan ng ibang kahulugan. Right leg pa lang yung inunat. Meron pang kabila. Hmmm

Inalis na Gerald ang weight nya from my leg. Binaba na nya ang kanang paa ko. Si-shift na siya sa kabila. Hinawakan na nya ang kabilang paa. Tinataas, tinitiklop. Hinihila na nya ang paa ko pababa nang bigla na lang siyang nagtanong:

"Sir, kilala mo ba siya?"

"Sinong siya?" tanong ko sa kanya.

"Yung naka-black shirt at black shorts kanina. Yung naka-baseball cap, yung naka earphones," sagot naman ni Gerald.

Napatigil ako. Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Bakit kaya niya naitanong yun? Usiserong frog. Di kaya obvious na obvious akong nakatingin kay Mr. Nike. Ayeeee. Caught in the act ba ako. Buwiset. Kainis. Makapag-stretch na nga lang.

Wednesday, November 3, 2010

Mr. Nike

Ilang minuto na lang, matatapos ko na ang warm-up exercise ko. Isang 15-minute run on a treadmill.

After sa trabaho kasi, dumiretso na ako sa gym para sa unang session namin ni Gerald. Opo, wala na akong choice. Taken na ang ibang mga PTs na mas kaaya-aya pa ang fez. Si Gerald na nga ang PT ko.

Excited ba ako sa unang session ko with Gerald? Uhmm hindi masyado. Promise kasi niya na rigorous and serious ang set of exercises na ipapagawa nya sa akin. Kaya, dinaya ko na lang ang 15-minute run. Nilakad ko lang ang first five minutes. Tumakbo for 8, then nagsprint for 2 minutes. Nang lumapit na si Gerald sa akin para i-check kung nakumpleto ko ang task, nadatnan niya akong pawis na pawis at tila ready nang sumabak sa training. Nagpapanggap na ako. 100%.

"Wow. Galing ah. Tinakbo mo ba the entire 15 minutes?" tanong ni Gerald.

"Ano sa tingin mo? Of course noh!" pasigaw kong nasabi sa kanya. Sinabi ko lang yun para ma-convince siya na napagod ako ng todo.

"OK. Stretching muna tayo sir" ang sunod na sinabi ni Gerald sabay turo sa akin kung saan ako mag-uunat. "Excited na ba kayo sa first circuit exercise na gagawin natin sir?"

"Slight lang." sagot ko. "Worried ako baka masyado mahirap yung ipagagawa mo sa akin. Medyo conscious pilate ako. Masyado marami kasi nagji-gym ngayon," nahihiya kunyari.

Oo. Excited nga ako ng konti. Pagkakataon ko nang i-make-over ang sarili ko. 

Pero sa totoo lang, medyo gusto kong magwork-out kapag maraming tao. Mas malaki kasi ang possibility na may makakasabay akong guapo sa work-out area. Kagaya nung isang araw, nung nag-uusap kami ni Gerald sa may Core Exercise area, habang bini-brief niya ako, nung nag-appear si Mr. Nike.

Pero mas excited akong makita si Mr. Nike uli.

Nasaan na ka yun? Makakasabay ko ba kaya siya ngayon?

Kailangan ko ng inspiration.

Mr. Nike, naririnig mo ba ako? Can you hear me? I want to call your name out loud. Pero di ko alam kung ano ang tunay mong pangalan. Where art thou? Please come around. Please be here and be my inspiration.

Papa Jesus, I need your help. Tagala lang ha. Sinambit pa si Bro. Hay.

"Sir, upo na po kayo dito. Gawin na natin ang stretching," sabi ni kaaya-ayang Gerald.

Huhuh. Seryoso na toh. Saan na kaya si Mr. Nike? Isang oras lang ang session namin ni Gerald. Sana ma-stretch ko pa ang time ko sa gym. Desperately wanting na itetch. Lingon ako ng lingon sa locker room door. No sign of him.

Dumadami na ang pumapasok sa working area. After 5 na kasi. Ako naman, wishing and hoping na for Mr. Nike. Kaya dinadahan-dahan ko ang pagsi-stretch. Di rin pa sanay ang limbs ko sa mga paguunat-unat. Pero properly guided naman ako ni Gerald.

Natapos rin ang stretching. No Mr. Nike in sight. I surrendered. Sumuko na ako. Maybe wala siyang planong magpunta sa gym ngayon. Siguro every-other-day siya pupunta. Baka nag-overtime sa trabaho. Baka maaga siyang nag-gym kanina.

Sa Core Exercise area na kami sunod nagpunta ni Gerald. Pinagawa sa akin ang abdominal crunches. Ang hapdi sa tiyan. 3 sets ng leg raise. 3 sets ng isang variation ng sit-up. And another 3 sets of curls. Nabugbog ang tiyan ko nang husto. 

"Teka lang, teka lang," ang sabi ko kay Gerald bago pa man niya nasabi yung susunod kong gagawin. "Water break muna!" pahabol ko pang sinabi.

Tumayo ako sa A-bench and went straight to the water fountain. Nakakapagod yung pinagawa sa akin ni Gerald. Pinagpawisan ako. Talagang mahirap nga. Nakaka-uhaw pala ang exercise na yun. Uminom ako ng maraming tubig. Parang ayaw ko nang umalis sa water fountain na yun. Ang lamig ng tubig. Refreshing.

Mukhang nabusog na ako sa tubig. Bumigat na ang tiyan ko. Pansin ko rin na merong nakapila na sa likod ko. Inaantay akong umalis. So I stepped back from the fountain. Pagpihit ko sa kanan, hulaan nyo kung sino ang nakita kong nakapila rin.

Narinig pala ako ni Papa Jesus.

Monday, November 1, 2010

I'd Walk a Thousand Miles

First few months ko sa gym, I availed the services of a PT. Personal Trainer po, hindi Professional Tsupadoro. Actually, nabola lang ako sa alok nilang training packages and besides, binibida nila na mas maigi kung kumuha ako ng PT para mai-guide daw ako sa pag-achieve ng aking purpose sa pagji-gym.

Mega promote ang mga PTs sa akin na kesyo ganitong sessions ang i-avail ko or ganitong package ang kunin ko dahil may mga freebees pa. Tinanong ako ng isang PT kung ano raw objective ko sa pagbubuhat. Sabi ko, "gusto ko lang makahanap ng inspirasyon para ituloy ko ang buhay ko. Gusto kong makakita ng magagandang tanawin at magkaroon ng maraming kaibigan sa gym."

Of course hindi yun ang sinagot ko. Sinabi ko lang yun sa sarili ko. Alam ko ang purpose ko sa gym. At alam ko rin kung bakit kailangan kong kumuha ng PT.

It's because ang mga personal trainers are sources of juicy information. Marami yan silang alam tungkol sa mga buhay-buhay ng ibang mga parokyano sa gym. Kagaya sila ng mga SGs, mga security guards. Andami nalalaman, pati mga ghosts at mga paranormal occurence alam din nila.

"Gusto ko po kasing magkaroon ng six-pack abs," sinabi ko kay Gerald. Isa siyang PT. Hindi nya tunay na pangalan.

Okay naman si Gerald. Mukhang fresh na fresh, mapula pa ang hasang, intact pa ang kaliskis, hindi blood-shot ang mga mata. Halos magkasing height lang kami. Slightly darker siya, mas mabuhok nga lang ako. Aside from his chest and arms, I guess hindi na ako sure kong well-toned siya. Hindi rin ako sure sa mga abs niya.

Napansin ko ang reaksyon ni Gerald. Mukhang hindi siya convinced na yun ang purpose ko. Inisip siguro nya na masyado lang akong ambisyoso. Six-pack abs in just how many sessions? Okay lang ba ako? 

"Sir, medyo extensive training po gagawin natin pag ganun," aba. mukhang lagot ako. Am I really serious?

He guided me to one corner of the gym. Pinakita nya yung mga equipment for the core. Naandun yung mga A-bench na para sa crunch exercise. Naandun rin ang isang frame na pwede ka magleg-curl sa ere. Tinuro rin ni Gerald yung bench na pwede magsit-up at mag leg-raise. Bongga.

"Para lumitaw ang gusto mong mga pan de leche, circuit training po tayo every time, with focus on the core. We also need to perform a series of abdominal exercise to strengthen your mid section, plus squats, crunches, laterals, tensions. Tapos...sir?" napatigil si Gerald.

Pansin siguro niya na dumudugo na ang ilong ko sa kaka-digest ng mga kailangan gawin para ma-achieve ko yung six-pack abs na, in the first place, di ko naman kailangang i-achieve for now. Echos lang lahat yun.

Dahil ang purpose ko lamang ay para magmasid sa mga hombreng nagsisipagbuhat, magha-hunting ng mga eye candies, at manood ng mga eksenang angkop sa edad at panlasa ko. Siyempre, importanteng-importante ang anumang impormasyon na ma-chupsi ko kay Gerald.

Switched ON na ang aking pagpapanggap. "Okay po Gerald. When can I start? Tomorrow?" tanong ko sa kanya.

"Na sa inyo po. Ano po mas convenient sa inyo? Bukas?," binalik lang nya ang tanong sa akin.

"Ikaw ba ang magiging PT ko?," tanong ko sa kanya.

"Na sa inyo rin po. Gusto nyo po bang ako ang magiging PT nyo?," punyems, binalik uli sa akin ang question.

Hmmm. Pero magdedecide pa ako. Okay kaya kung bukas na agad ako magsisimula? Meron pa bang PT na mas kaaya-aya pa kay Gerald? Dapat lang na guapo o kaaya-aya ang mukha ng magiging PT ko noh. In dire need kaya ako ng inspiration.

"...If I could fall, into the sky, do you think time will pass me by..."

Napalingon ako sa kanan. Hinanap ko yung source ng music. Teka, a capella yun. Hindi mataas ang tono, hindi rin mababa ang boses. Okey lang. Hindi sintunado. Parang ang ganda pakinggan. Sino yun? Wala naman akong nakikitang nagka-crunch sa mga benches ah. Siya kaya yun?

Siguro mga 2 meters ang layo sa akin ng isang hombreng naka-sombrero. Siya lang ang nakikita ko sa gawing kanan, malapit sa water fountain. Matikas, muscular pero hindi naman outrageously big. Bakat ang uber-developed chest sa suot nyang white shirt. Slim waist, flat ang tiyan. Naka-side view siya. Ganda ng profile. White shirt paired with a pair of white shorts as well. May Check Logo ang shorts. Siya si Mr. Nike.

Inaayos nya ang mga plates, gagamitin nya ang equipment for abdominal crunches. He was bending over. Tanaw ko ang outline ng briefs nya. Ang ganda ng butt. Gusto kong pisilin.

He turned around and inabot ang dalawang handles na nakatenga from a pulley. Naaninag ko ang mukha. Guapo. Bigla na lang itong lumuhod sa harap ng equipment. Hinatak ang cable pababa. Hinatak ng sampung beses. Sampung beses ko rin pinanood ang porma ng katawan nya. Fit na fit. Al Dente. Just right. Fit 'n Right talaga. Pinanood ko ang isang set ng crunch exercise.

 "...'cause you know I'd walk a thousand miles if I could just see you... tonight..."

Tumayo na si Mr. Nike. Kinanta uli ang chorus ng song. Napatigil lang ako. Nakanganga, naglalaway.

"Sir, so when can you start?" Naalibadbaran ako. Inaantay pala ni Gerald ang sagot ko. Panira. Spoiler ng moment.

May mahaharvat kaya akong impormasyon kay Gerald tungkol kay Mr. Nike? Baka meron ano?

"Can we start now?" patanong kong sagot kay Gerald.

A thousand miles lang pala ha. Tignan natin.