Ilang minuto na lang, matatapos ko na ang warm-up exercise ko. Isang 15-minute run on a treadmill.
After sa trabaho kasi, dumiretso na ako sa gym para sa unang session namin ni Gerald. Opo, wala na akong choice. Taken na ang ibang mga PTs na mas kaaya-aya pa ang fez. Si Gerald na nga ang PT ko.
Excited ba ako sa unang session ko with Gerald? Uhmm hindi masyado. Promise kasi niya na rigorous and serious ang set of exercises na ipapagawa nya sa akin. Kaya, dinaya ko na lang ang 15-minute run. Nilakad ko lang ang first five minutes. Tumakbo for 8, then nagsprint for 2 minutes. Nang lumapit na si Gerald sa akin para i-check kung nakumpleto ko ang task, nadatnan niya akong pawis na pawis at tila ready nang sumabak sa training. Nagpapanggap na ako. 100%.
"Wow. Galing ah. Tinakbo mo ba the entire 15 minutes?" tanong ni Gerald.
"Ano sa tingin mo? Of course noh!" pasigaw kong nasabi sa kanya. Sinabi ko lang yun para ma-convince siya na napagod ako ng todo.
"OK. Stretching muna tayo sir" ang sunod na sinabi ni Gerald sabay turo sa akin kung saan ako mag-uunat. "Excited na ba kayo sa first circuit exercise na gagawin natin sir?"
"Slight lang." sagot ko. "Worried ako baka masyado mahirap yung ipagagawa mo sa akin. Medyo conscious pilate ako. Masyado marami kasi nagji-gym ngayon," nahihiya kunyari.
Oo. Excited nga ako ng konti. Pagkakataon ko nang i-make-over ang sarili ko.
Pero sa totoo lang, medyo gusto kong magwork-out kapag maraming tao. Mas malaki kasi ang possibility na may makakasabay akong guapo sa work-out area. Kagaya nung isang araw, nung nag-uusap kami ni Gerald sa may Core Exercise area, habang bini-brief niya ako, nung nag-appear si Mr. Nike.
Pero mas excited akong makita si Mr. Nike uli.
Nasaan na ka yun? Makakasabay ko ba kaya siya ngayon?
Kailangan ko ng inspiration.
Mr. Nike, naririnig mo ba ako? Can you hear me? I want to call your name out loud. Pero di ko alam kung ano ang tunay mong pangalan. Where art thou? Please come around. Please be here and be my inspiration.
Papa Jesus, I need your help. Tagala lang ha. Sinambit pa si Bro. Hay.
"Sir, upo na po kayo dito. Gawin na natin ang stretching," sabi ni kaaya-ayang Gerald.
Huhuh. Seryoso na toh. Saan na kaya si Mr. Nike? Isang oras lang ang session namin ni Gerald. Sana ma-stretch ko pa ang time ko sa gym. Desperately wanting na itetch. Lingon ako ng lingon sa locker room door. No sign of him.
Dumadami na ang pumapasok sa working area. After 5 na kasi. Ako naman, wishing and hoping na for Mr. Nike. Kaya dinadahan-dahan ko ang pagsi-stretch. Di rin pa sanay ang limbs ko sa mga paguunat-unat. Pero properly guided naman ako ni Gerald.
Natapos rin ang stretching. No Mr. Nike in sight. I surrendered. Sumuko na ako. Maybe wala siyang planong magpunta sa gym ngayon. Siguro every-other-day siya pupunta. Baka nag-overtime sa trabaho. Baka maaga siyang nag-gym kanina.
Sa Core Exercise area na kami sunod nagpunta ni Gerald. Pinagawa sa akin ang abdominal crunches. Ang hapdi sa tiyan. 3 sets ng leg raise. 3 sets ng isang variation ng sit-up. And another 3 sets of curls. Nabugbog ang tiyan ko nang husto.
"Teka lang, teka lang," ang sabi ko kay Gerald bago pa man niya nasabi yung susunod kong gagawin. "Water break muna!" pahabol ko pang sinabi.
Tumayo ako sa A-bench and went straight to the water fountain. Nakakapagod yung pinagawa sa akin ni Gerald. Pinagpawisan ako. Talagang mahirap nga. Nakaka-uhaw pala ang exercise na yun. Uminom ako ng maraming tubig. Parang ayaw ko nang umalis sa water fountain na yun. Ang lamig ng tubig. Refreshing.
Mukhang nabusog na ako sa tubig. Bumigat na ang tiyan ko. Pansin ko rin na merong nakapila na sa likod ko. Inaantay akong umalis. So I stepped back from the fountain. Pagpihit ko sa kanan, hulaan nyo kung sino ang nakita kong nakapila rin.
Narinig pala ako ni Papa Jesus.
No comments:
Post a Comment