Sa Gym na pinupuntahan ko, sa silid-bihisan mapapansin mo ang hanay ng mga lockers na gawa sa kahoy. Andami. Dalawang palapag. Mapapansin mo rin ang mga closeta. Mga nagpapanggap. Mga pa-mhin. 2-storey rin.
Kung madalas ka nang nagpupunta sa gym, you cannot help but notice yung mga masasabi nating parokyano. Sila yung mga adik na adik na sa pagwo-work out. Kadalasan, sila yung may mga built na pareho na kay Papa Derek or kay Schwarzenegrenseh kung super adik na talaga sa pagbubuhat.
Meron naman din yung mga hindi pa super-toned ang katawan pero halata mong nagsisimba sa gym just to observe other people. And by observing, sila yung mga di mapapakali at mga uneasy na pa-mhin sa isip, sa salita at sa gawa. Sila yaong nagdarasal kay Mang Inasal ng free unlimited rice dahil abot-mata na lang nila ang mga ulam.
Yes.
Sa gym, mapagmasid ang mga closeta. Nakikiramdam. Nagsisipagdiwang ng palihim sa mga biyayang natatanggap.
Di ko itatanggi na ako man ay taos-pusong nagpapasalamat din sa mga buhay na works of art ni God. Sa locker room kasi, halos lahat naghuhubad. Halos lahat nagmamayabang sa mga korte ng katawan na hinugis ng araw-araw na pagbubuhat. I couldn't help myself. OA naman kung ipipikit ko ang mga mata ko noh. Atsaka, binigyan tayo ng isang pares ng eyes ni Lord so why not use them all the time?
Ang shower area, winner. Semi-transparent ang mga pinto. Hindi polyvinyl chlorde shower curtains kundi glass. Tabi-tabi ang cubicles. Sari-sari ang show. Merong shower area sa baba, meron ding ligu-an sa kabilang floor. Sabik na sabik ang mga peppers sa mga glass doors na ito. Regular kasi itong nililinis. Para kasing invisible na ang mga glass doors pagkatapos linisan ni manong tagalinis. See-through na ang mga cubicles. Maglalaway na ang mga peppers.
Ang mga salamin, parang nababading na rin. Pano kasi, sa kanila nakatitig ang halos karamihan sa mga bading-in-hiding. Ginagamit sila sa pag-o-observe, sa pagche-check out ng mga nagbibihis. Meron diyan na parang standing ovation lang ang drama. Ang tagal sa harap ng salamin. Kunyari nag-aayos ng hair, kunyari nagbo-blow dry ng buhok, kunyari nag-aayos ng damit. Pero tutok na tutok naman ang mga mata sa mga naandun sa loob ng mga cubicles.
Napapangiti na lang ako. Meron kasi diyan na hindi mo lubos maiintindihan kung bakit, sa araw-araw na pagpupunta-punta sa gym, sa halos everyday na session with a personal trainer, at sa halos half-day na nagtitigil sa locker room, wala pa rin napapansing pagbabago sa katawan niya. Kasi ba naman, laging busog sa mga nakikita sa silid-bihisan. Laging busog ang mga mata. Ni hindi nga alam ng misis niya kung bakit daily siya nagpupunta sa gym.
Eh kasi ba naman, nag-sponsor siya ng isang guest. Matipuno si Guest. Obvious na mas bata kaysa ni Sponsor. Fair-skinned, the oriental kind. May itsura. Di alam ni misis. Si Sponsor at si Guest halos sabay magpupunta sa gym. Laging nauuna sa locker room si Sponsor. Maya't maya'y susunod is Guest. Didiretso si Sponsor sa harap ng salamin, bitbit ang gym bag at magkunyari na may hinahanap sa loob. Si Guest naman, tutuloy sa paghuhubad, sa pagbibihis. Titignan ni Sponsor sa salamin ang paghahanda ni Guest. Aantayin niyang matapos sa pagbibihis si Guest bago ilagay ang bag niya sa chosen locker. Saka sila sabay lumabas sa locker room at magpunta sa work-out area.
After the work-out, magti-text si Guest na mauuna na siya sa locker room. Aalis na si Guest sa work-out area. Bibilang ng ilang minuto si Sponsor. Susunod na rin siya sa silid-bihisan. Pagdating ni Sponsor sa locker room, dadatnan niyang nakaupo si Guest sa bench, half-naked, nagpupunas ng pawis sa katawan. Mag-uusap sila saglit habang naghuhubad si Guest to make ready to hit the showers. Kukunin ni Sponsor ang towel at ang kikay kit nyang itim tapos sabay na silang magpunta sa cubicles.
Separate naman sila kung maliligo. Pero magkatapat na cubicles ang pipiliin nila. Kayo na mag-isip kung bakit. Basta pansin ko rin na halos sabay sila lalabas sa kani-kanilang cubicles. Then the same set-up follows. Si Sponsor, tatayo sa harap ng salamin, si Guest naman, pipiliin ang locker kung saan makikita ni Sponsor ang buong eksena ng kanyang pagbibihis.
Halos araw-araw ganito ang eksena nila. Hindi alam ng misis ni Sponsor. Pero alam ko at nang ibang closetang katulad ko.
Mapagmasid lang talaga ang mga peppers.
Sana hindi mashadong obvious na malikot rin ang mata ko sa gym.
ReplyDeleteAng hirap naman kasi. Daming eye candy. Daming inspiration para magbuhat.
minsan nga, sa dami ng mga eye candy, nadi-distract ako. heheh
ReplyDeleteSir, hindi ako maka-relate, iba kasi ang market ko. collegeboy na slim. Pag pumupunta ako sa gym, hindi malikot ang mata ko. suplado ako. ako yung feeling straight kasi di ko sila trip. hahahah
ReplyDelete@Pilyo: kanya-kanya tayong hanap ng kung anik-anik sa talipapa. Go!
ReplyDelete