Saturday, December 4, 2010

Maya Maya

I saw him walk past through my table. Si Dino, ang mamang naka-Nautica, dumiretso lang sa table malapit sa entrance ng bar. Suot ang itim na baseball cap at tight jeans, sa table ng mga maya siya nagpunta.


Nakipagshake-hands, nakipag-beso sa mga beckies. 


Bigla na lang pumasok sa isip ko ang katagang "tell me who your friends are and I will tell you who you are."


Meron pang secondary quote: "Birds of the same feather, flock together."


Puro mga maya ang kasama ni Dino. Eh di, siya rin ay isang maya. 


Napangiti na lang ako sa sarili ko. Bakit di ko naamoy ang hasang ni Dino? Bakit di ko na-detect na becky-lou blanco pala siya? Ano na ba ang nangyayari sa gaydar ko? Lowbatt na kaya o wala lang mahagap na signal. Nakakahiya naman oh. Tsk Tsk Tsk.


"Aray," tanging nasabi ko habang kinurot ako ni Jean sa may bandang hita.


"Di ka nakikinig. Kanina pa ako tanong ng tanong sa yo kung kilala mo talaga si Nautica." reklamo ni Jean.


"Nagkikita kami sa gym. Yun lang. We haven't spoken yet to each other. Kilala ko lang siya sa mukha. Once lang nagmeet ang eyes namin. Minsan lang siya nagsmile sa akin. Hindi kami friends. Hindi pa lang," paliwanag ko.


"Ilusyonada. Hindi pala kayo close eh. Feeler!" sabi ni Jean.


"Paki-alam mo. At least meron akong reason kung bakit araw-arawin ko ang pagpunta sa gym di ba? Plus factor na yun. Inspiration kung baga. Ang hirap kaya magbuhat ng kung anik-anik kung di ako inspired. Sayang din kung walang maka-appreciate." dagdag na paliwanag ko habang minamasdan si Dino sa kabilang table.


Ayun siya, matikas, maayos na nakaupo kasama ang mga maya. Umorder si Dino ng isang round ng SML. Nagbubulungan, nagkukwentuhan, nagbubuga ng usok, nagtawanan.


Kami naman ni Jean, parang nagmasid na lang. Nagkwentuhan tungkol sa buhay ng iba, nagpapakalasing sa mga kwentong walang kwenta. Nagpapakalunod sa usok ng sigarilyo at nagpapakalulong sa dagat ng mga maya't mga nagpapanggap.


"Kainis naman kayo. Wala na bang mga tunay na lalaki ngayon? Wala na bang natitirang straight para sa aming mga NBSB? It's so unfair. It's just so so not fair. I hate this!" hinaing ng lokaret na si Jean.


"Gagah. Bakit ka nagrereklamo? Patas lang ang labanan. Equal footing tayo lahat. Lahat tayo merong chance para maka-bingwit ng isda. Kanya-kanyang diskarte lang yan. Masyado lang madiskarte ang iba. Dahil ayaw sa too complex na set-up, sa kapwa maya na lang ang trip."


"Mga maya, trip na trip na ngayong pumatol sa kapwa maya. Walang emotional baggage, walang hang-ups masyado, at least alam ng isa't isa kung ano ang buhay na pinagdadaanan."


"Yang si Nautica, maya yan di ba?" tanong ni Jean.


"100%. Tignan mo, astig na astig pero nakikipag-flirt na sa bouncer. Kinuhanan pa ng pic. Pa-simple lang ang maya," nasabi ko habang sinusundan ng tingin ang mga kilos ni mamang Nautica.


"So what are you waiting for? Puntahan mo na't magpapakilala ka na."


"Ayoko nga. Hindi ko pa kaya. I'm not man enough to introduce myself. Who knows, baka meron na siya kalukadidang. Baka may jowa na ang mama. Baka hindi na siya available," sagot ko na may halong worries at lungkot.


"There's one way to find out. Lapitan mo at magpakilala ka," si Jean naman oh, very supportive.


"Eh, why don't you go ahead, magpakilala ka. Ladies first." pabiro kong sinabi sa kanya.


"Sige ka, baka maunahan ka."


"Eh di good luck na lang," sabi ko habang sinusundan ng tingin ang mga kilos ni Dino. 


Sa table ng mga maya, naaninag ko ang maya't mayang pag-check ni Dino sa kanyang cellphone. Nag-order uli siya ng isa pang round ng beer. Hithit-buga, tawa, hiyawan. Chineck uli ang cellphone. Tila merong text. Tumingin sa malayo at ngumiti.


Nilingon ko ang lugar kung saan siya nakatingin. Nakita ko ang isang maya na naglalakad patungo sa bar. Maliit, naka-checkered shorts, pink and suot na polo shirt, hawak ang touch-screen na cellphone. Tumayo na si Dino sa kinauupuan nito. Nagpaalam sa kasama, nilisan ang mga maya at nagmamadaling lumakad papalayo sa bar ngunit papalapit sa mayang naka-pink.


Nagsalubong ang dalawa malapit sa table namin ni Jean. Nakita rin ni Jean ang nagaganap na tagpuan. Nang nagmeet na si Dino at ang naka-pink na maya, agad namang inakbayan ng nauna ang huli. Sabay nilang nilisan ang MP. God knows where sila pumunta.


Sabi ko sa sarili ko, nabingwit na si Dino. Iba na lang ang huhulihin ko.



No comments:

Post a Comment