Monday, November 8, 2010

Juicy

"Kilala mo siya?" tanong ko kay Gerald.

Hindi agad sumagot ang PT. Abalang-abala kasi siya sa pag-uunat sa mga paa ko. Eto naman si Gerald oh, very serious sa pag-stretch ng katawan ko. I sensed that he's dropping hints na may alam siya kay Mr. Nike. Maybe he sensed that I am somehow interested with the man in black Nike ensemble. Nagpapakiramdaman na kaming dalawa.

Juicy kaya ang sasabihin ni Gerald tungkol kay Mr. Nike?

Tahimik pa rin siya. Parang di niya narinig ang tanong ko. Ako naman, parang uhaw na uhaw na sa maaring isagot ng PT. Eyes wide open na ako. Pati ears ko full bar na rin sa pagiging open. Everything around me had turned quiet na. Si Gerald, tuloy-tuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Nagbibingi-bingihan. Tell me now. Please. Sabihin mo na sa akin. Wag mo na akong itorture.

Hirap naman ito. Di ko alam kung nakahalata si Gerald na nakiki-usi ako sa buhay ng may buhay. Sinubukan kong deadmahin ang lahat. I let some moments pass. Tinapos namin ni Gerald ang stretching session then we both went to the reception desk to sign some papers and to plot my next session with him.

Inexamine ko si Gerald. Gusto kong malaman kung ano ang alam niya kay Mr. Nike. Kung kaya ko lang basahin ang isip nya eh di ko na kailangang tanungin siya di ba? Hindi ko na rin kailangang basahin ang utak niya. Babasahin ko na lang diretso ang utak ni Mr. Nike. Kaso waley akong gift na ganitey.

Bago pa man nagpaalam si Gerald sa akin, inunahan ko na siya uli ng tanong. "Hoy, sinagot mo na ba ang tanong ko?"

"Ang alin?" pilit niyang inalala ang tanong.

Bigla na lamang ito napakamot sa baba at inisip kung ano yung tinanong ko. Lumakad na kami papalayo sa reception desk. Papunta na ako sa locker room, siya naman papunta sa work-out area, hinihintay ko pa rin ang sagot nya.

"Yung kanina, sa may stretching area," sabi ko.

"Ah yung naka-itim at naka-sombrero? yung nasa free weights kanina?," tanong ni Gerald.

"Oo. Yun. Kilala mo siya?" tanong ko habang lumalapad na ang tenga ko at dumidilat na ang mga mata ko sa isasagot ni Gerald.

"Si Dino po yun," sagot ng PT.

Hmmm.

Dino pala ang pangalan ni Mr. Nike. Pangalan pa lang parang native na native. Pwede ring latin american or hispanic. Ewan. Short for Dinosaur kaya yun? o Segundino ba? o Dino lang talaga.

"Matagal na po siyang member dito po. Kumuha nga rin po sya ng training package noon. Yung pareho sa inavail nyong package po," dagdag ni Gerald.

Di ko na napakinggan ang sunod na sinabi ni Gerald. Nagsara na lang bigla ang mga tenga ko nang malaman ko na Dino pala ang pangalan niya. Ano kaya ang buhay sa likod ng pangalang Dino.

Dino.

Dino.

Akyat na ako sa locker room. Magbibihis na ako. Sana, madatnan kitang naandun. Gusto kitang makitang nag bibihis, o naghuhubad o naka-tapis lang ng tuwalya. Gusto kitang makilala, Dino.

1 comment:

  1. Hmmm. Interesting. Hahaha.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete