First few months ko sa gym, I availed the services of a PT. Personal Trainer po, hindi Professional Tsupadoro. Actually, nabola lang ako sa alok nilang training packages and besides, binibida nila na mas maigi kung kumuha ako ng PT para mai-guide daw ako sa pag-achieve ng aking purpose sa pagji-gym.
Mega promote ang mga PTs sa akin na kesyo ganitong sessions ang i-avail ko or ganitong package ang kunin ko dahil may mga freebees pa. Tinanong ako ng isang PT kung ano raw objective ko sa pagbubuhat. Sabi ko, "gusto ko lang makahanap ng inspirasyon para ituloy ko ang buhay ko. Gusto kong makakita ng magagandang tanawin at magkaroon ng maraming kaibigan sa gym."
Of course hindi yun ang sinagot ko. Sinabi ko lang yun sa sarili ko. Alam ko ang purpose ko sa gym. At alam ko rin kung bakit kailangan kong kumuha ng PT.
It's because ang mga personal trainers are sources of juicy information. Marami yan silang alam tungkol sa mga buhay-buhay ng ibang mga parokyano sa gym. Kagaya sila ng mga SGs, mga security guards. Andami nalalaman, pati mga ghosts at mga paranormal occurence alam din nila.
"Gusto ko po kasing magkaroon ng six-pack abs," sinabi ko kay Gerald. Isa siyang PT. Hindi nya tunay na pangalan.
Okay naman si Gerald. Mukhang fresh na fresh, mapula pa ang hasang, intact pa ang kaliskis, hindi blood-shot ang mga mata. Halos magkasing height lang kami. Slightly darker siya, mas mabuhok nga lang ako. Aside from his chest and arms, I guess hindi na ako sure kong well-toned siya. Hindi rin ako sure sa mga abs niya.
Napansin ko ang reaksyon ni Gerald. Mukhang hindi siya convinced na yun ang purpose ko. Inisip siguro nya na masyado lang akong ambisyoso. Six-pack abs in just how many sessions? Okay lang ba ako?
"Sir, medyo extensive training po gagawin natin pag ganun," aba. mukhang lagot ako. Am I really serious?
He guided me to one corner of the gym. Pinakita nya yung mga equipment for the core. Naandun yung mga A-bench na para sa crunch exercise. Naandun rin ang isang frame na pwede ka magleg-curl sa ere. Tinuro rin ni Gerald yung bench na pwede magsit-up at mag leg-raise. Bongga.
"Para lumitaw ang gusto mong mga pan de leche, circuit training po tayo every time, with focus on the core. We also need to perform a series of abdominal exercise to strengthen your mid section, plus squats, crunches, laterals, tensions. Tapos...sir?" napatigil si Gerald.
Pansin siguro niya na dumudugo na ang ilong ko sa kaka-digest ng mga kailangan gawin para ma-achieve ko yung six-pack abs na, in the first place, di ko naman kailangang i-achieve for now. Echos lang lahat yun.
Dahil ang purpose ko lamang ay para magmasid sa mga hombreng nagsisipagbuhat, magha-hunting ng mga eye candies, at manood ng mga eksenang angkop sa edad at panlasa ko. Siyempre, importanteng-importante ang anumang impormasyon na ma-chupsi ko kay Gerald.
Switched ON na ang aking pagpapanggap. "Okay po Gerald. When can I start? Tomorrow?" tanong ko sa kanya.
"Na sa inyo po. Ano po mas convenient sa inyo? Bukas?," binalik lang nya ang tanong sa akin.
"Ikaw ba ang magiging PT ko?," tanong ko sa kanya.
"Na sa inyo rin po. Gusto nyo po bang ako ang magiging PT nyo?," punyems, binalik uli sa akin ang question.
Hmmm. Pero magdedecide pa ako. Okay kaya kung bukas na agad ako magsisimula? Meron pa bang PT na mas kaaya-aya pa kay Gerald? Dapat lang na guapo o kaaya-aya ang mukha ng magiging PT ko noh. In dire need kaya ako ng inspiration.
"...If I could fall, into the sky, do you think time will pass me by..."
Napalingon ako sa kanan. Hinanap ko yung source ng music. Teka, a capella yun. Hindi mataas ang tono, hindi rin mababa ang boses. Okey lang. Hindi sintunado. Parang ang ganda pakinggan. Sino yun? Wala naman akong nakikitang nagka-crunch sa mga benches ah. Siya kaya yun?
Siguro mga 2 meters ang layo sa akin ng isang hombreng naka-sombrero. Siya lang ang nakikita ko sa gawing kanan, malapit sa water fountain. Matikas, muscular pero hindi naman outrageously big. Bakat ang uber-developed chest sa suot nyang white shirt. Slim waist, flat ang tiyan. Naka-side view siya. Ganda ng profile. White shirt paired with a pair of white shorts as well. May Check Logo ang shorts. Siya si Mr. Nike.
Inaayos nya ang mga plates, gagamitin nya ang equipment for abdominal crunches. He was bending over. Tanaw ko ang outline ng briefs nya. Ang ganda ng butt. Gusto kong pisilin.
He turned around and inabot ang dalawang handles na nakatenga from a pulley. Naaninag ko ang mukha. Guapo. Bigla na lang itong lumuhod sa harap ng equipment. Hinatak ang cable pababa. Hinatak ng sampung beses. Sampung beses ko rin pinanood ang porma ng katawan nya. Fit na fit. Al Dente. Just right. Fit 'n Right talaga. Pinanood ko ang isang set ng crunch exercise.
"...'cause you know I'd walk a thousand miles if I could just see you... tonight..."
Tumayo na si Mr. Nike. Kinanta uli ang chorus ng song. Napatigil lang ako. Nakanganga, naglalaway.
"Sir, so when can you start?" Naalibadbaran ako. Inaantay pala ni Gerald ang sagot ko. Panira. Spoiler ng moment.
May mahaharvat kaya akong impormasyon kay Gerald tungkol kay Mr. Nike? Baka meron ano?
"Can we start now?" patanong kong sagot kay Gerald.
A thousand miles lang pala ha. Tignan natin.
No comments:
Post a Comment