Wednesday, December 1, 2010

Kung Bakit Pa Kasi

Dumiretso na ako sa harap ng napili kong locker. Hindi ko na inalam kung nakita ako ni Dino na nagmamadaling umalis sa shower area. Ang mga hawak kong shampoo, underwear at facial wash agad ko nang nilagay sa kikay bag ko. Sa bilis ng kilos ko'y feeling ko malalagutan na ako ng hininga. Anlakas din ng heartbeat ko. Para akong isang magnanakaw tuloy.

Ano lang ba 'yon? Nakaw na pagtingin sa hubog ng katawan ng naliligong si Dino? Pasulyap na pagmasid sa basang hombre habang naglalaway sa pagkaligo nito ng sabon? Nakaw nga ang masasabi kung nanood ako na hindi nagpaalam sa kanya, na hindi pina-alam sa kanya, na hindi nya batid na halos nawala na ako sa tamang pag-iisip at pagkilos dahil sa kakapanood sa kanya.

Hinanap ko na ang jeans and polo shirt ko. Inaantay na ako ng friend ko sa Gen. Maxilom which was a few minutes away from the gym. Habang nagbibihis, dumaan si Dino. Naka-tapis. Niyakap ng tuwalya ang beywang. Half-naked, fresh na fresh. Dumaan siya sa likod ko. Naamoy ko pa slight ang sabon na ginamit nya. Ang shampoo, H&S. Menthol. Sigurado walang balakubak.

Doon siya huminto sa may locker sa likod ko. Halos magkatapat ang lockers namin. Magbibihis siya sa likod ko. Ako naman, sa likod nya. Pakshet naman. Di ko siya mapapanood magbihis.

Suot ko na ang pantalon. Hinugot ko ang pares ng medyas, umupo sa bench sa gitna at inasikaso ang pagsuot ng medyas at ang sapatos. Inayos ko ang sintas ng rubbershoes ko. Tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako't hinanap sa locker ang nag-iingay na CP. May nagtext.


Si Jean. Ang classmate ko nung highschool. Tapos na raw siya sa work nya at gusto nang maglamyerda. "Wr n u? Hr n me MP!" text ng bruha. Sinagot ko ng "W8 muna, nagbbhis lng. andyan n me in 15."


"Blisn mo, dming Sda n ri2. Gus2 ko n mag catch ng 1" text uli ni Jean.


Lokaret. Bagama't single since nasa matres pa ng nanay niya, ayan nagwawala at tila sinasaniban na si Jean sa party place na yun. Excited siya masyado. Ako naman, medyo charo santos concious sa pagbibihis dahil na sa likod ko lang si Dino.


Ay hindi pala. Nakaupo na siya sa center bench ng locker room. Di ko napansin. Pagkatapos kong binalik ang cellphone sa gym bag ko, paatras akong bumalik sa bench para umupo. Late ko na napansin na nasa tabi ko na siya. Sa gulat ko, napadikit ang kanang kamay ko sa kanang kamay nya. Buti na lang hindi ako sumigaw at nagtitili na parang fanatikong ulol.


Siya itong nagulat sa akin. Hindi ko pa suot ang polo shirt ko eh. So ayun, skin-to-skin ang nangyari. Nagulat ang mama. Pero nakangiti. Ako naman, trying to compose myself. "Sorry Pre" lang ang nasabi ko. Pero nakangiti rin. Ngumiti lang siya. Hindi naman siya umusod.


Para akong nakuryente. Napatayo. Hinablot ko bigla ang polo shirt ko. Nagmadaling sinuot ito, naglagay ng perfume sa leeg, sa kamay, sa likod ng tenga. Ready na ako. Hinablot ko na ang gym bag ko at iniwan ang locker na nakatiwangwang.


Nasa bench pa rin Dino. Half-naked. Nakaupo. Magbibihis. Habang umaalis ako sa locker room, iniiwan ko naman ang mga titig ko kay Dino. "Alis muna ako ha" sabi ko sa kanya, pero sa isip ko lang.


Tinitigan ko siya. Sa gulat ko, biglang lumingon si Dino. Nagsalubong ang aming mga tingin. Saglit lang. Pero caught in the moment. Na-praning ako sobra. I turned away and headed for the exit. Inaantay na kasi ako ni Jean. Hay.


Kung bakit pa kasi.



No comments:

Post a Comment