Jean flashed a dissatisfied look when she spotted me walking towards her. She was waiting for me for like 48 years since she her last sent message on the phone. Naka-upo siya sa may gilid, doon sa may glass wall ng MP. Katabi niya ang dalawang bakanteng upuan. Sa harap naman niya ang isang bilugang monobloc table. Tanging isang bunch lang ng tissue holder with a 5+1 SML sticker ang naandun.
Kumaway si Jean na tipong atat-na-atat makipag unahan sa pangingisda sa laot ng lalaki. Kinawayan ko siya, habang papalapit, nagmega-explain ako kung bakit late ako ng konti. Ang hirap din kasi maghanap ng parking space sa MP. Tapos ang trapik din sa Gen. Maxilom.
Ayaw tanggapin ni Jean ang justi ko. Late daw is late. Male-late na rin daw siya sa pamimingwit ng hombre. Sabi ko sa kanya, "ang aga pa. ano ba quota mo tonight? dalawa? tatlo? isang dosena?"
"Baliw. Isa lang. Oks na ako sa isang dosena," pabirong sinabi ng lokaret na si Jean.
"Eh abay, magsimula ka na. Timer starts now" sabay adjust ko sa digital watch kong luma na may split second feature.
Mukhang seryoso nga si lokaret. Nagsurvey agad sa scene of the crime. Iniisa-isang tinignan at siniyasat ang mga hombre sa bar kung saan kami naka-upo. Binatukan ko ng slight si Jean.
"Hoy, remind lang kita, not all that glitter is gold. Yung mga mata na naggi-glitter, malamang mga bading yun. Baka nakalimutan mo, nasa hang-out tayo ng mga beckies ngayon" sabi ko kay Jean.
"Ay oo nga. Parang nahihilo na rin ako sa kaka-survey. Pare-pareho ang style ng damit, ang buhok, eh halos magkamukha na nga. Kailangan ba talagang gaya-gaya at pare-pareho?" sambit ni Jean sa akin.
Hindi ko maipaliwanag yun. Ngayon lang ata nagkaganito ang party scene sa Cebu.
Dumadami na ang mga maya. Pabata ng pabata. Pansin na rin ang population bloom ng mga peppers sa ciudad. I think yung iba nanggagaling pa sa ibang lugar.
Maswerte nga yung generation ng mga peppers ngayon. Somehow, medyo open na ang society sa mga katulad natin. Meron nang mga bars na kagaya sa Metro Manila na pwede na mag french-kissing at butt-sqeezing in the open. Hindi na nagugulat ang madlang people kung ang isang hombre ay nakiki-grind sa kapwa nyang hombre.
"Ahem ahem" si Jean, napansin akong napatingin sa malayo.
"Lokaret, nakita mo ba ang nakikita ko?" tanong ko sa kanya.
"Saan? Alin? Sino? Bakit?" kukumpletuhin ba ang mga tanong?
"Yun oh, yung naglalakad papalapit dito" sabay turo gamit ang mabuhok kong nguso.
"Alin? yang naka-itim na shirt, yung tatak Nautica? Siya ba?" napalingon ako kay Jean, tila tumulo na ang laway sa kakasiyasat sa hombre. "Kilala mo ba siya?"
Natahimik ako saglit. Palapit ng palapit na kasi yung mama. Sa porma pa lang, kilalang-kilala ko siya. Tuloy lang ang paglakad niya. Minamasdan ko ang itim na Nautica shirt na nakakapit sa katawan nya. Bakat na bakat ang dibdib. At ang beywang, ang trim.
Napangiti na lang ako. I never expected to see him here.
"Kilala ko siya. I know his name but I don't know him quite yet" sabi ko kay Jean.
"Eh sino nga siya?"
"Itago na lamang natin siya sa pangalang Nautica," suggestion ko kay lukaret habang pinaglaruan ko ang tanong kung bakit naandito si Dino sa balwarte ng mga nagpapanggap.
No comments:
Post a Comment